Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na tumanggap ng mga tranferee na manggagaling sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Bilang ng mga nag-enroll sa buong bansa, mahigit 22 milyon na

National News

Mahigit 22.1 milyon na bilang ang mga estudyante na nag-enroll sa buong bansa para sa School Year 2020-2021 na magsisimula sa Agosto 24.

Sa datos ng Department of Education (DepEd) , mayroong mahigit 22.1 milyon ang nakapag-enroll mula kindergarten hanggang grade 12 kasama na ang mga learners with disabilities at kumukuha ng Alternative Learning System (ALS).

Sa nasabing bilang, mahigit 20.8 milyon ang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan at mahigit 1.3 milyon naman sa mga pribadong paaralan.

Hulyo 15 nang matapos ang extended enrollment na itinakda ng DepEd.

Gayunman, sinabi ng ahensya na tatanggap pa rin sila ng late enrollees hanggang sa pagbubukas ng klase.