DOH nagbabala third wave

Bilang ng mga gumaling sa COVID-19, umabot na sa higit 1,600  

COVID-19 UPDATES National News

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 sa bansa.

Batay sa huling COVID update ng Department of Health, nadagdagan ng 112 ang bilang ng mga gumaling mula sa naturang virus.

Dahil dito, pumalo na sa isang 1,618 ang bilang ng mga nakarekober.

Samantala, nadagdagan din ng 339 ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit.

Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 10, 343 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19.

Sa naturang bilang naman, 685 ang nasawi matapos makapagtala ng 27 na nasawi sa nakalipas na 24 oras.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng nakakarekober kumpara sa mga nasasawi mula sa COVID-19 pandemic.