Bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 sa pilipinas, umabot na sa 1,043

National News

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa inilabas na 4pm Bulletin ng Department of Health, umabot na sa 1043 ang bilang ng gumaling kung saan nadagdagan ito ng dalawampu sa nakalipas na magdamag.

Nadagdagan naman ng 276 sa COVID-19. Dahil dito umabot na sa 8,488 ang kabuuang bilang nito.

10 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi ngayong araw. Sa kabuuan mayroon ng 568 ng mga nasawi sa bansa.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang pagsasagawa ng mga test, habang patuloy naman na umaasa ang kagawaran na habang nadagdagan ang nagpopositibo, ay mas lalo pang madaragdagan ang bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19.