Bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 1, 084

National News

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa inilabas na 4pm bulletin ng Department of Health, Mayo 1, umabot na sa 1,403 ang bilang ng gumaling kung saan nadagdagan ito ng 20 sa nakalipas na magdamag.

Nadagdagan naman ng 284 ang nagpositibo sa COVID-19. dahil dito umabot na sa 8, 772 ang kabuuang bilang nito.

11 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi ngayong araw. Sa kabuuan mayroon ng 579 bilang ng mga nasawi sa bansa.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang pagsasagawa ng mga test, habang patuloy naman na umaasa ang Kagawaran na habang nadaragdagan ang nagpopositibo, ay mas lalo pang madaragdagan ang bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19.