Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na tumanggap ng mga tranferee na manggagaling sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Bilang ng mga enrollees ngayong pasukan, umabot na sa 77%

National News

Umabot na sa 77% ang bilang ng mga enrollees ngayong School Year 2020-2021 sa kabila ng pandemya ayon kay Department of Education Sec. Leonor Briones.

Ito ang kabuuang porsyento kabilang na ang pribado at pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ang naging bahagi sa pahayag ni Briones kasama ang Inter-Agency Task Force at si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Briones, “Inspite of the combined impact of COVID, as well as the destruction on the economy, the downturn of the economy, we were able to achieve 77% of the total enrollment compared to last year.”

Dagdag pa ng kalihim, sa publikong paaralan, umabot na sa 90% ang kabuuang bilang ng mga enrollees kung ikukumpara sa nakaraang taon.

“Ang ating problem is with the private school enrollees, kasi only 27% have returned”, dagdag pa ng kalihim.