Connect with us

Bilang ng krimen sa bansa, bumaba ng 46% ayon sa PNP

Bumaba ng 46 % ang bilang ng krimen sa buong bansa kasabay sa ipinatutupad na lockdown dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

National News

Bilang ng krimen sa bansa, bumaba ng 46% ayon sa PNP

Bumaba ng 46 % ang bilang ng krimen sa buong bansa kasabay sa ipinatutupad na lockdown dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang kinumpirma ni Joint Task Force (JTF) Covid Shield Commander PLT. Gen. Guillermo Eleazar sa Laging Handa Public briefing.

“Kung ikukumpara yung index crime for the past 223 days before this pandemic ay bumaba ng 46% ang krimen natin sa buong Pilipinas. 44% sa Luzon,  51% sa Visayas, at 44% sa Mindanao.”

Ani Eleazar kung dati, 176 crimes per day ang nagaganap, ngayong quarantine period naman, 96 crimes per day na lang ang naitatala.

Dahil aniya ito sa intervention na ginagawa ng Philippine National Police (PNP) at Joint Task Force (JTF) partikular ang ang mga checkpoints na ipinapairal sa iba’t-ibang borders ng probinsya at siyudad.

Maliban dito, malaking tulong din ang police visibility sa mga lugar at pag-implementa ng mga batas at ordinansa tulad ng pagpapatupad ng curfew.

Kasunod nito, nanawagan ang mga otoridad sa publiko na  ipagpapatuloy ang kolaborasyon, suporta, at kooperasyon sa kanilang mga programa.

Pagdating naman sa motorcycle riding suspects, bumaba ng 57% ang naturang krimen sa nakalipas ng 7  buwan, ikumpara noong pinakahuling 220 araw bago ipinatupad ang community quarantine.

Sa ibang usapin naman, sinabi ni General Eleazar na ipinaubaya na niya sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga Local Government Unit (LGU) kung itutuloy pa rin ng mga ito ang pagre-require ng travel authority sa mga papasok sa kanilang lokalidad.

Pero pagtitiyak ng JTF COVID shield, kung Authorized Persons Outside Residence (APOR), hindi na kailangan ng travel authority at pwede nang pumunta sa destinasyon basta’t work-related kung saan ID lang ang kailangan.

“Pero kung ikaw po ay non-apor at ikaw ay nasa gcq, mgcq, ang bagong policy natin ngayon ay dapat malaman mo ang status ng pupuntahan mo. Dalawang status po ang ating probinsya o mga lugar na pupuntahan. It’s either restricted or unrestricted. When we say restricted, kailangan pa rin ng travel authority kapag ikaw ay pupunta roon. Kapag unrestricted na, hindi na po kailangan ng travel authority.”

Samantala, maglalabas naman ang PNP ng travel pass-through permits para makapasok sa mga lokalidad na nanananatiling mahigpit ang seguridad.

More in National News

Latest News

To Top