Bike lanes, mahigpit nang babantayan ng HPG

Metro News

Mahigpit ng babantayan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga bike lanes sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng mga sumbong na may mga pribadong sasakyan ang nag-oovertake gamit ang bike lane habang ang iba ay ginagawa itongĀ  parking space.

Maliban dito, magsasagawa rin ng mga surpresang inspeksyon ang HPG.

Una nang inatasan ni Joint Task Force COVID-19 Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang HPG na bantayan ang bike lane upang matiyak ang kaligtasan ang mga nagbibisikleta.

Nabatid na bisikleta ang pangunahing ginagamit ngayon ng ilan nating kababayan matapos limitahan ang transportasyon dahil sa community quarantine.