Connect with us

Big boss ng ABS-CBN,  takot sa imbestigasyon – Atty. Gadon

Posibleng natakot  ang big boss ng ABS- CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III sa nakatakdang imbestigasyon ng Kamara laban sa titulo ng mga ari-arian

National News

Big boss ng ABS-CBN,  takot sa imbestigasyon – Atty. Gadon

Posibleng natakot  ang big boss ng ABS- CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III sa nakatakdang imbestigasyon ng Kamara laban sa titulo ng mga ari-arian ng kaniyang kumpanya sa Mother Ignacia, Quezon City.

Para kay Atty. Larry Gadon na isa sa mga abogadong tumayo laban sa network, malaki ang posibilidad na umiiwas si Lopez sa isyu ng ABS-CBN property “kasi dun sa unang hearing hindi nila maipakita ang title.”

Punto pa ni Gadon, mistulang tinakbuhan rin ni Lopez ang pressure at problema na kaniyang kakaharapin sa oras na gumulong na ang imbestigasyon ng House Committee on Justice.

“That is running away from tremendous pressure and problems now that the House will conduct investigation on land ownership of ABS-CBN,” punto ni Gadon.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Gadon kasunod ng pagbibitiw ni Lopez  sa kanyang pwesto bilang chairman emeritus ng ABS-CBN Corporation at bilang director ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation, at Rockwell Land Corporation.

More in National News

To Top