Connect with us

BI, naghahanda na sa posibleng suspensyon o sibakan dahil sa pastillas scam

Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang posibleng mangyaring suspensyon o sibakan sa kanilang hanay lalo na ang mga nakatalaga sa mga paliparan.

National News

BI, naghahanda na sa posibleng suspensyon o sibakan dahil sa pastillas scam

Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang posibleng mangyaring suspensyon o sibakan sa kanilang hanay lalo na ang mga nakatalaga sa mga paliparan, kasabay naman ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa ilang immigration officers na sangkot sa pastillas scam.

Aminado si Immigration Commissioner Jaime Morente na alam nilang sakali mang magsuspinde o magpalit ng immigration personnel sa airport si Justice Secretary Menardo Guevarra ay dahil ito naman ang tama at nararapat.

Magugunitang inaresto ng National Bureau of Investigation sa entrapment operation kamakalawa ang mismong hepe ng NBI Legal Assistance Section na si Atty. Joshua Paul Capiral at kapatid nitong immigration officer na si Christopher Capiral.

Ang magkapatid na Capiral ay naaktuhang tumatanggap ng extortion money para makalusot sa kaso ang ilang immigration officers na nasasangkot sa pastillas scam.

More in National News

To Top