DPWH BGC-ORTIGAS

BGC hanggang Ortigas Center, 12 minuto nalang ang biyahe sa 2021

Metro News

Aabot nalang sa 12 minuto ang tagal ng biyahe mula sa Bonifacio Global City hanggang Ortigas Center.

Ito ay kung sakaling matapos na ang pagtatayo ng BGC-Ortigas Center Road Link Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inaasahang makaluluwag sa daloy ng trapiko sa EDSA at C-5 na makakatulong upang mabilis na na ma-access ang mga pangunahing business district sa Metro Manila.

Personal na binisita ni DPWH Sec. Mark Villar ang konstruksyon noong Biyernes kung saan inihayag nya na inaasahang matatapos ang proyekto sa taong 2021.

“This will serve as an alternate corridor from EDSA and C-5 along the section of Guadalupe Bridge and Bagong Ilog Bridge, eventually allowing more economic opportunities for our “kababayans”,” ani Sec. Villar.

BGC Ortigas Link. Photo Courtesy: DPWH

Ang naturang P1.6-billion project ay kinabibilangan ng pagtatayo ng 4 lane Sta. Monica-Lawton Bridge sa Pasig River na magkokonekta sa Lawton Ave. sa Makati at Sta. Monica Street at ang pag-aayos at pagpapaluwag ng Brixton hanggang Fairlane Street sa Pasig City.

Kasama rin dito ang pagtatayo ng 565-meter Lawton Avenue to BGC viaduct na dadaan sa Lawton Avenue hanggang sa pasukan ng BGC.

BGC hanggang Ortigas Center, 12 minuto nalang ang biyahe sa 2021

PANOORIN | BGC-Ortigas Center Road Link Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH)Courtesy: DPWH

Posted by DZAR 1026 on Friday, February 7, 2020

“With an accomplishment of 45 percent, we are fast tracking the completion of this high-impact project linking Pasig ang Taguig to ease traffic woes of motorists and commuters in Pasig, Mandaluyong, Taguig, and Makati,” dagdag pa ng kalihim.