Connect with us

BFAR, paiimbestigahan ang umano’y pagtatapon ng Chinese vessels ng human waste sa WPS

Paiimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang umano’y pagtatapon ng China ng dumi ng tao sa West Philippine Sea.

National News

BFAR, paiimbestigahan ang umano’y pagtatapon ng Chinese vessels ng human waste sa WPS

Paiimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang umano’y pagtatapon ng China ng dumi ng tao sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag sinabi ni Ret. Commodore Eduardo Gongona, ang national director ng BFAR na kinakailangang malaman ang totoong lugar na ginawang dumping site ng China.

Matatandaang isiniwalat ng larawan ng US Satellite Imaging Company na may ilang Chinese vessel umano ang mga nagtapon ng dumi ng tao sa WPS.

Una namang pinabulaanan ng Department of National Defense (DND) ang naturang isyu.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isang malaking panlilinlang ang ginawang report ng isang US based geospace imaging firm na Simularity kung saan ang nasabing larawan ay kuha pa noong taong 2014 sa Australia Great Barrier Reef.

Ani Lorenzana, “We have taken note of the news circulating online about the alleged dumping of wastes in the South China Sea. However, the photo of a ship seen dumping waste accompanying the report was found to have been taken in the Australian Great Barrier Reef in 2014. Therefore, this intent to mislead has cast great doubt on the accurateness of the Simularity Report.”

Bagay na sinegundahan rin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na hindi totoo ang balita at isang itong fake news.

Pero kung totoo man aniya ito, itinuturing ng pamahalaan na isang malaking paglabag ito sa marine ecology hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong rehiyon.

Pero ayon sa tweet post ng Simularity, ang ginamit na larawan sa ginawang presentasyon ni US geospatial firm Simularity co-founder at CEO Liz Derr, ay hindi tinukoy kung  mga barko nga ba ng China ang nasa likod ng nakitang imahe sa satellite imaging nito.

Pero, matagal na rin nilang nakikita ang mga barko ng China na pumapasok sa Philippine Economic Zone simula pa noong 2016.

Sa kabilang banda, agad na inabisuhan ng defense department ng bansa ang western command sa bahagi ng West Philippine Sea upang alamin at siyasatin ang nasabing alegasyon.

“Be that as it may I have directed the Western Command who has jurisdiction over the WPS to verify and investigate.”

“While we are confirming and verifying these wastes being dumped in the WPS, we consider such irresponsible acts, if true, to be gravely detrimental to the marine ecology in the area. Despite conflicting claims and interests by states in the South China Sea, all nations must be responsible stewards of our natural resources and  environment,” saad pa ni Lorenzana.

More in National News

Latest News

To Top