Connect with us

BFAR, dapat nang maihiwalay sa Department of Agriculture – Rep. Salo

Maraming salik kung bakit isinusulong ngayon ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang paglikha ng Department of Fisheries and Aquatic Resources.

National News

BFAR, dapat nang maihiwalay sa Department of Agriculture – Rep. Salo

Maraming salik kung bakit isinusulong ngayon ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang paglikha ng Department of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa panayam ng Sonshine Radio Kay Rep. Salo, ibinahagi niya na malawak ang yamang tubig ng Pilipinas at maraming oportunidad kung ikukumpara sa iba subalit mas developed pa ang pangisdaan ng ibang bansa.

Ani Salo, mas mainam na ihiwalay ito mula sa Department of Agriculture para mabigyang pokus ang paglinang ng sektor na ito.

Ibinahagi pa ng kongresista na suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance ang paglilikha ng Department of Fisheries and Aquatic Resources.

Samantala, kasama sa layunin ni Rep. Salo ang magiging self-sufficient at magiging exporter ng mga isda ang bansa.

Malinang rin ng maayos ang blue economy ng Pilipinas na kung tutuusin ay aabot sa ilang trilyong piso ang magiging pakinabang nito.

Matutulungan din aniya ang mga pamilyang nabubuhay lamang sa pangingisda dahil base sa pagsusuri, sila ang may mataas na poverty incidence sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top