Connect with us

Beteranong public servant Rep. Bong Suntay, tatakbo bilang re-electionist sa 2022

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Deputy Majority Floor leader Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay para muling tumakbong kinatawan ng ika-apat na distrito ng Quezon City sa Kongreso.

National News

Beteranong public servant Rep. Bong Suntay, tatakbo bilang re-electionist sa 2022

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Deputy Majority Floor leader Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay para muling tumakbong kinatawan ng ika-apat na distrito ng Quezon City sa Kongreso.

Kasama ng beteranong public servant na naghain ng kandidatura sa main office ng Commission on Elections (COMELEC) si Mayor Joy Belmonte na muling tatakbo bilang alkalde ng Quezon City at mga konsehan ng lungsod na sina Marra Suntay, Ivy Lagman, Irene Belmonte, Janet Babes Malaya, Hero Bautista at Egay Yap.

Si Suntay ay isa sa mga pinakabatang miyembro ng mayorya sa Kamara na naitalaga bilang Deputy Majority Leader.

Itinalaga rin ito bilang chairman ng committee on Human Rights mula noong Agosto 2019 at naging vice chairman sa mga komite ng energy, government enterprises and privatization at ng trade and industry.

Naging may-akda din si Suntay ng napakaraming panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kabilang na dito ang HB10213 (Electric Vehicle Industry Development Bill), HB10098 (Online Network Philippines Bill), HB07951 (OFW Remittance Protection Bill), at iba pa.

Ilan sa mga panukala na naging co-author si Suntay at  ngayon ay naisabatas na ay ang Republic Act (RA) 11569 (na kilala rin bilang Tax Amnesty Act) at ang RA 11466 (na isinusulong ang pagtaas sa minimum na sahod ng mga guro) at ang R.A. 11561 An Act na layong taasan ang bed capacity sa East Avenue Medical Center.

Bago naging Deputy Majority Leader sa Kamara, naitalaga din si Suntay ni Pang. Rodrigo Duterte bilang isa sa limang director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

At bago pa ito itinalaga sa PCSO, naging aktibong mambabatas din si Suntay bilang konsehal sa ikaapat na distrito ng Quezon City sa loob ng limang termino.

More in National News

Latest News

To Top