Nag-paabot ng tulong ang aktres na si Bea Alonzo sa isang bahay ampunan sa gitna ng COVID-19 crisis.

Bea Alonzo nag-paabot ng tulong sa isang bahay ampunan

Showbiz

Nag-paabot ng tulong ang aktres na si Bea Alonzo sa isang bahay ampunan sa gitna ng COVID-19 crisis.

Tumulong ang aktres sa pamamagitan ng I Am Hope relief organization.

Sa instagram post ni Bea ipinakita na ang pamamahagi ng kanilang team ang mga relef goods sa SOS children’s village sa Muntinlupa.

Sa kabila nito, sinabi ni Bea na nakakataba ng puso nang makita niya ang mga bata na ngumingiti pabalik sa kanya sa ilalim ng mga face mask na suot ng mga ito.

Naitatag ang I Am Hope Relief Organization sa pamamagitan ni Bea at kasama si Rina Navarro.

Layunin ng organisasyon na tulungan ang mga nakikita nilang vulnerable communities.