Connect with us

BBM susuportahan parin si PRRD, kahit hindi siya suportado nito

BBM susuportahan parin si PRRD, kahit hindi siya suportado nito

National News

BBM susuportahan parin si PRRD, kahit hindi siya suportado nito

Mananatili ang suporta ni dating senador Bongbong Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit binanggit kamakailan ni Pangulong Duterte na hindi niya susuportahan ang kandidatura ni Bongbong Marcos.

Walang mang direktang sagot dito ang dating senador, pero ayon kay Atty. Larry Gadon ang malapit na kaalyado ni Bongbong Marcos, walang masamang tinapay sa dating senador.

Katunayan, hindi raw mawawala ang paggalang nito kay Pang. Duterte kahit hindi nito suportado ang pagtakbo sa 2022 presidential race.

 “Sapagkat nakausap ko si BBM a while ago and natanong ko nga sa kanya na may sinasabi nga si Presidente Duterte na hindi siya susuporta kay BBM at sasabihin daw niya ang dahilan kung bakit ayaw niyang suporta kapag eleksyon na. Eh ngayon di kinausap ko si BBM at ang sabi naman niya sa akin na kahit na ganon ang sinabi ni Presidente Duterte siya, siya ay patuloy na susuporta kay Presidente Duterte.”, saad ni Atty. Larry Gadon.

Sinabi rin ni Gadon na walang sama ng loob si BBM kay Pangulong Duterte.

Hindi rin daw siya nangangamba dahil wala siyang itinatago sa mga tao.

 “Siya ay patuloy na susuporta sa administrasyon, hindi niya ito ikasasama ng loob. At nakakatiyak naman siya na sa sarili niya mismo ay wala siyang dapat ikapangamba kung anuman ang sabihin ni Presidente Duterte yun ay kanyang palalampasin lang. Patuloy siyang remurespeto, patuloy siyang gumagalang patuloy siyang susuporta sa Duterte Administration hanggang sa katapusan.”, daag pa nito.

Para kay Gadon, walang duda ang suporta ni Marcos sa Duterte administration.

“Alam niyo naman si Bongbong Marcos ay hindi mapagtanim at yan ay nararamdaman ko yung pagiging sincere niya doon sa pagsuporta sa administration.”

More in National News

Latest News

To Top