Connect with us

BBM-Sara tandem, pinakamalapit na kaalyado ng administrasyon

BBM-Sara tandem, pinakamalapit na kaalyado ng administrasyon

National News

BBM-Sara tandem, pinakamalapit na kaalyado ng administrasyon

Walang duda na ang BBM-Sara tandem lang ang pinakamalapit na kaalyado ng Administrasyong Duterte.

Sila lang din anila ang may pinakamalaking potensyal na magpapatuloy sa mga nagawa na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Peter Laviña, co-convenor ng Sama-Sama Multisectoral Alliance, kasunod sa pahayag ng ruling party PDP-Laban na kanilang e-iindorso ang tiyak na makapagpapatuloy sa magandang nasimulan ng Duterte administration.

Sa isyu naman ng disqualification case ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos, sinabi ni Laviña na posibleng magkakaroon ng protesta sakaling wala ang pangalan nito sa balota.

Matatandaang 9 na protesta ang inihain laban kay BBM kung saan layuning madiskwalipika ang kanyang kandidatura para sa 2022 elections.

Samantala, naniniwala si Lavina na ang rason kung bakit naghain ng COC noon sa pagka-senador si Pangulong Duterte ay para matulungan si Sen. Bong Go sa kandidatura nito sa pagkapangulo.

Ngunit ngayong nag-withdraw na si Sen. Go, ay umatras na rin si Pangulong Duterte.

 

More in National News

Latest News

To Top