Connect with us

BBM, isa sa mga pinagpipilian ni PRRD na hahalili sa kanya – PDDS member Butch Belgica

National News

BBM, isa sa mga pinagpipilian ni PRRD na hahalili sa kanya – PDDS member Butch Belgica

Isa si presidential aspirant Bongbong Marcos sa pinagpipilian ni Pangulong Duterte na hahalili sa kanya.

Ito ang ibinahagi ni Butch Belgica, member ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at isa sa bumubuo ng council of advisors ng partido sa panayam ng Sonshine Radio.

Ang problema lang ay nagkaroon ng manipulasyon dahil ang kinaka-usap lang ng kampo ni Marcos ay si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sinasabi ng mga ito na kaalyado sila ng pangulo subalit niisang beses ay hindi nila kinausap si Pangulong Duterte para sa isyu ng eleksiyon sa 2022.

Pananaw ni Belgica, posibleng nasaktan si Pangulong Duterte sa kanilang ginawa.

Tingin pa ni Belgica, posibleng ang ipinaglalaban ng kampo ni Marcos ang maibangon ang kanilang pangalan.

Samantala, nilinaw naman ni Belgica na si Inday Sara Duterte ang ikakampanya ng PDDS sa pagka-bise presidente.

Sa huli, umapela ito sa publiko na kilalanin ang mga kandidatong kanilang iboboto at hindi rin ito ang panahon para magsiraan.

More in National News

Latest News

To Top