Connect with us

BBM at mga petisyuner, pinakokomento ng COMELEC sa mosyong inihain sa 2nd division

BBM at mga petisyuner, pinakokomento ng COMELEC sa mosyong inihain sa 2nd division

National News

BBM at mga petisyuner, pinakokomento ng COMELEC sa mosyong inihain sa 2nd division

Inatasan ng Commission on Elections (COMELEC) si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang mga petisyuner na nagnanais na makansela ang kanyang certificate of candidacy (COC) na maghain ng kani-kanilang komento sa answers-in-intervention na inihain nina Reynaldo S. Tamayo Jr. at ng Partido Federal ng Pilipinas.

Sa pahayag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang 2nd division ng COMELEC na siyang may hawak ng kaso ang may kautusan nito kung saan binigyan ng hanggang limang araw lang ang magkabilang panig na maghain ng kanilang komento pagkatanggap ng order.

Inihain ni Tamayo ang kanyang answers-in-intervention noong November 22, habang November 24 naman inihain ang mosyon ng Partido Federal ng Pilipinas.

Nakasaad sa order na answer-in-intervention with motion to intervene and admit attached answer-in-intervention nina Tamayo, Victor Rodriguez at Thompson Lantion na ibasura ang petisyon na inihain noong Nobyembre 2 dahil sa kawalan ng merito.

Ito rin ang naging laman ng mosyon na inihain ng Partido Federal ng Pilipinas noong nobyembre 24.

Samantala, noong December 01, 2021, bilang tugon ay inihain naman nina Fr. Christian Buenafe at iba pa, ang kanilang motion to expunge with opposition ad cautelam na layong ibasura ang mosyon ng Partido Federal ng Pilipinas dahil sa pagiging depektibo at kawalan rin umano ng merito.

More in National News

Latest News

To Top