Connect with us

Bayanihan to recover as One Act, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Nanawagan ang ilang mga mambabatas na isantabi na muna ang mga alitan upang matapos sa takdang oras ang mga pagdinig para sa 2021 national budget.

National News

Bayanihan to recover as One Act, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 sa Kamara.

Sa viva voice voting ay pumasa ang house bill 6953 na siyang supplement measure at ikalawang stimulus package para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Bayanihan 2 ay mayroong P162 billion na standby fund sa Setyembre na maaaring gamitin hanggang sa Disyembre na mas mataas kumpara sa P140 billion standby fund ng Senado.

Ilalaan ang halagang ito para sa emergency subsidy sa mga displaced workers, cash-for-work programs, prevention and control para sa COVID-19, support programs para sa mga apektadong sektor at sa agricultural sector.

Narito ang mga programa sa ilalim ng Bayanihan 2.

* P10 billion for PhilHealth COVID-19 coverage

* P10.5 billion para sa hiring ng karagdagang health care workers at mga benepisyo

* P3 billion para sa PPEs ng mga frontliner at indigents

* P4 billion sa pagawa ng quarantine at isolation facilities

* P20 billion para sa cash-for-work programs

* P51 billion para infusion ng credit capital ng bansa

* P20 billion para sa low-interest credit sa agriculture sector

* P10 billion for programs para sa sektor ng transportasyon

* P10 billion para sa tourism development programs

* P100 million para sa training ng tourist guides

* P3 billion para sa smart, ICT-ready education facilities sa sucs

* P600 million para sa scholarship ng mga qualified college students

* P300 million for subsidies for personnel of private tertiary education institutions

* P1 billion for additional scholarship funds for TESDA

* P12 billion para sa mga ayuda sa ilalim ng DSWD

* P4 billion para sa digital education ng DepEd

* P1.5 billion para mga LGUs

* P180 million para sa allowances ng mga Filipino atheletes, at

* P820 million na ayuda ng DFA sa mga displaced migrant workers

Gaya ng nagpasong Bayanihan 1, nasa 5000-8000 ang ayudang matatanggap ng mga pamilyang apektado ng community quarantine.

Nauna nang sinabi ni Speaker Alan Cayetano na bibigyan otoridad ang Department of Budget and Management (DBM) na mag re-allocate ng infrastructure funds para sa Bayanihan 2.

Paliwanag ni Cayetano, “The law will have the funding and some mechanisms, even yung sinabi ko, we will give authority to the DBM to realign and set for infrastructure funds na kailangan na kailangan ng bansa, for testing, for isolation centers and field hospitals, for cure or vaccine if it becomes available, for PPEs and for health workers, but ang pakiusap ko is that the private sector  do their part.”

Samantala, inaasahang sa susunod na linggo ay tuluyan na itong maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

To Top