Bayanihan Kamara

‘Bayanihan 2,’ target ipasa sa special session ng Kamara

National News

Target ng Kamara na ipasa ang panukalang “Bayanihan To Recover As One Act” o ang “Bayanihan 2” para sa karagdagang pagtugon ng pamahalaan sa matinding krisis na dala ng COVID-19.

Ang House Bill (HB) 6953 ay bahagi ng supplement measure kapalit ng Bayanihan To Heal As One Act na hindi naipasa sa ikalawang pagbasa dahil nag-adjourn na sine die ang Kamara nitong Biyernes.

Layon ng HB 6953 na maglaan ng P162 bilyong standby fund hanggang Setyembre ng taong ito.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, ang mga naapektuhan sa panahon ng COVID pandemic ay tutulungan ng pamahalaan kabilang ang mga nawalan ng trabaho, magkakaloob rin ng cash for work programs, pagpigil at pagkontrol sa mga malalang karamdaman, programa upang suportahan ang mga naapektuhang sektor at pondo para sa agrikultura.

Ang mga estudyante na nahaharap sa matinding krisis pinansyal dulot ng pandemya ay makatatanggap naman ng tuition fees subsidy.