Connect with us

Batas kontra online child sex exploitation, dapat masunod ng mga internet provider – DICT

Muling pinaalalahanan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga telecommunications company at Internet Service Provider (ISPs) na sumunod sa mga umiiral na batas kontra child sexual exploitation.

National News

Batas kontra online child sex exploitation, dapat masunod ng mga internet provider – DICT

Muling pinaalalahanan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga telecommunication company at Internet Service Providers (ISPs) na sumunod sa mga umiiral na batas kontra child sexual exploitation.

Ito ay matapos tumaas ang kaso ng online sexual abuse and exploitation sa mga bata sa panahon ng pandemya.

Kamakailan ay naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte para sa agarang pagpapataw ng mga parusa sa mga ISP na nagpapahintulot sa paggamit ng kanilang mga platform para sa online exploitation.

Bilang tugon, inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) sa National Telecommunications Commission (NTC) na parusahan ang mga ISP na hindi nakatutupad sa kanilang tungkulin sa ilalim ng Republic Act no. 9775 o anti-child pornography act of 2009.

Patuloy na sinusubaybayan ng NTC at DICT ang pagsunod ng mga ISP sa nasabing batas, na nag-uutos sa lahat ng mga ito na ipaalam sa Philippine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation (NBI) ang anumang uri ng child pornography na ginawa gamit ang mga server o pasilidad nito sa loob ng pitong araw matapos makakuha ng mga pruweba.

Kinakailangan din ang lahat ng mga ISP na mag-install ng magagamit na teknolohiya, programa o software upang matiyak na ang pag-access o pagpapadala ng anumang uri ng pornograpiya ng bata ay mai-block o masala.

Samantala, nag-isyu kamakailan ang NTC ng show-cause orders na nagrerequire sa mga ISP na hindi sumusunod sa batas na magbigay ng written justification kung bakit ang kanilang paglabag ay hindi dapat bigyan ng parusang administratibo.

Kinakailangan ring dumalo ng mga ISP sa mga hearing.

Ayon kay DICT Sec. Gregorio Honasan II, “The DICT takes the matter of online child sexual exploitation very seriously. We are closely coordinating with the NTC in exploring measures to prevent this and ensure compliance of telcos and ISPs with the provisions of the law.”

Bukod dito, inilunsad kamakailan ng DICT ang Child Online Safeguarding Policy (COSP) na naglalayong magtalaga ng mga mekanismo at pamantayan upang mapangalagaan ang mga bata at kabataan sa online alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act 10929 o ang free internet access in public places act .

More in National News

Latest News

To Top