Nanawagan si BHW Party-List Rep. Angelica Natasha Co  sa mga Local Government Unit (LGU) na maibigay ng hazard pay ng mga barangay health worker.

Barangay health workers, dapat bigyan ng hazard pay

National News

Nanawagan si BHW Party-List Rep. Angelica Natasha Co  sa mga Local Government Unit (LGU) na  dapat maibigay ang hazard pay ng mga Barangay Health Worker.

Sa naging panayam ng SMNI News, sinabi ni Co na marami pa rin silang natatanggap na reklamo na hindi nakatatanggap ng nasabing cash aid sa gitna ng banta ng COVID-19 na araw araw nilang kinakaharap.

Punto ni Co,kasama sa Administrative Order No.28 ang pagbibigay ng hazard pay sa mga health workers na maituturing na ding frontliner sa kanilang komunidad.

Aniya, “Kada araw na nakaka-duty sila sa mga checkpoint, sa kanilang mga health centers. So,  everytime na nakaduty sila, mayroon silang additional na hazard pay, which is around PHP 500 to PHP1000.”

Paglilinaw pa ni Co na ang mga LGU ang nakatokang magbigay dito kaya panawagan niya ay kumilos ang mga ito.

“Actually, ibinigay po ito sa mga LGU. Ang kanilang mandato ang sinusunod. Kung ako lang po, ang gusto ko po ay pantay-pantay sana. Pero hindi talaga natin maiwasan na mayroong 1st class municipalities, 2nd class, 3rd class up to 6th class. Alam ko naman ang mga health worker, kahit konti lang basta mabigyan lang sila ng nararapat na hazard pay for them, edi, matutuwa na din po yun. Kaya ang ipinananawagan lang po ay maibigay ang para sa kanila”, saad ng kongresista.