Banta COVID-19 Pilipinas bumababa

Banta ng COVID-19 sa Pilipinas, bumababa na – epidemiologist

COVID-19 UPDATES National News

Nanindigan ang Department of Health (DOH) na patuloy na ang pagbaba ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa press briefing, tinukoy ng isang epidemiologist at bahagi ng IATF sub-technical working group na si Dr. John Wong, ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19; aniya, patuloy na rin pagbaba ng bilang ng mga namamatay sa virus.

Malinaw aniya ito na indikasyon na nagtatagumpay na ang gobyerno sa mga hakbangin nito para mabawasan ang bilang ng mga nahahawaan ng sakit.

Sa kabila nito, nagbabala si Dr. Wong sa second wave ng virus sa sandaling alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ) at maging kampante ang mga tao.

Nagpa-alala din si Dr. Wong na dapat pa ring panatilihin ang tamang health protocols lalo na’t wala pang natutuklasan na bakuna kontra COVID.