Connect with us

Bangsamoro government, muling umapela sa Kongreso para sa pagpapalawig ang BARMM transition

Muling inihirit ng mga opisyal ng Bangsamoro Region na palawigin ang transition period ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

National News

Bangsamoro government, muling umapela sa Kongreso para sa pagpapalawig ang BARMM transition

Muling inihirit ng mga opisyal ng Bangsamoro Region na palawigin ang transition period ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang naturang apela ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Kamara at Senado ay naglaLayong magkaroon sila ng sapat na panahon ang parliyamento ng BARMM na maisakatuparan ang mandato nito.

Sa isang virtual press briefing ngayong araw, sinabi ni Bangsamoro Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim.

Na mayroon na aniyang limang panukalang batas na inihain sa mababang kapulungan na may kinalaman sa extension ng bangsamoro transition.

Sa ilalim ng panukala, itinutulak na palawigin ng tatlong taon pa o hanggang 2025 ang BTA o ang interim government ng BARMM.

Maliban dito, ipinapanukala rin na ipagpaliban ang dapat sanang Bangsamoro government election na isasabay sa 2022 national elections at sa halip, gagawin na lamang din ito sa 2025.

Dagdag pa ni Ebrahim, imposibleng maisakatuparan ang mandato nito kung walang sapat na panahon ang parliyamento ng barmm at hindi ito makakayang makumpleto sa 2022.

Samantala, ibinahagi naman ni Bangsamoro Education Minister and peace panel co-chairperson Mohagher Iqbal ang hamon na kinakaharap ng rehiyon pagdating sa usapin ng edukasyon.

Ibinahagi naman ni Chief Minister Ebrahim ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagsusulong nito ng pagpapalawig ng BARRM transition.

Aniya, suportado ng pangulo ang extension ng Bangsamoro transition period.

Inihayag pa ni Ebrahim na tiwala siya na maraming indibidwal ang pabor na palawigin ang transition period, base na rin sa isinagwa nilang survey sa lugar.

Mababatid na Bunsod na rin ng kinakaharap na pandemya dukot ng COVID-19 ay bumagal ang implementasyon ng normalization process sa barmm, kaya ganito na lang ang pagsulong ng grupo para palawigin ang bangsamoro transition.

More in National News

Latest News

To Top