Connect with us

Bakunahan sa kabataan edad 12 – 17, uumpisahan sa ika-15 ng Oktubre

Sisimulan na sa ika-15 ng Oktubre ang pagbabakuna sa mga kabataan may edad 12-17 matapos itong aprubahan ng Inter-agency Task Force o IATF

National News

Bakunahan sa kabataan edad 12 – 17, uumpisahan sa ika-15 ng Oktubre

Sisimulan na sa ika-15 ng Oktubre ang pagbabakuna sa mga kabataan may edad 12-17 matapos itong aprubahan ng Inter-agency Task Force  (IATF).

Ito ay kasunod ng Go-signal ng IATF at pagdating ng mga bakunang Pfizer sa Pilipinas, na tanging may EUA para magamit ng mga nasa 12 hanggang 17 years old, ay maaari nang simulan ang pagbabakuna sa mga menor de edad.

Tatlong shipments ng bakunang Pfizer ang dumating sa bansa mula October 1 hanggang ika-3 ng Oktubre na umabot sa higit 3.5 million doses.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nasa 12.7 million na mga bata na may edad 12-17 ang target na mabakunahan laban sa COVID-19.

Pero aniya, maglalaan sila ng 60 million doses ng bakuna para sa 26 hanggang 29 na milyong kabataan sa buong bansa.

Ayon pa kay Galvez, uunahin muna ang ilang lungsod sa Metro Manila saka sisimulan sa iba pang lugar at karatig lalawigan.

Isasagawa ang pagbabakuna sa mga bata sa loob ng Philippine Heart Center, National Children’s Hospital, Philippine General Hospital, and dalawa pang medical centers na nag-accomodate ng mga pediatric comorbidities.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top