Connect with us

Bakuna laban sa COVID-19 sa bansa, posibleng sa Abril pa ng susunod na taon  

Sa  Abril  ng  susunod pang  taon  magiging  available dito sa Pilipinas  ang  epektibong bakuna  laban sa  COVID- 19.

National News

Bakuna laban sa COVID-19 sa bansa, posibleng sa Abril pa ng susunod na taon  

Sa  Abril  ng  susunod pang  taon  magiging  available dito sa Pilipinas  ang  epektibong bakuna  laban sa  COVID- 19.

Ito  ang  sinabi  ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo  dahil  naka-depende sa kung kailan matatapos ang mga isinasagawang phase 3 clinical trial, ang petsa ng availability ng bakuna  sa bansa.

Ayon  pa kay Domingo, tinataya nilang sa buwan ng Abril magagamit ang bakuna dahil  inaasahang matatapos  sa Disyembre o Enero ang phase 3 trials ng candidate vaccines.

Nilinaw  pa ni Domingo  na  tatanggapin  lamang  nila ang registration application para sa bakuna sa oras  na  matapos ang phase 3 clinical trial  gayundin ang  mga dokumento hinggil  dito.

Sinabi pa nito na kung maganda ang resulta ng  naturang  trials  ay tiyak  na  magiging mabilis  ang proseso  sa aplikasyon nito.

More in National News

Latest News

To Top