Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng gamot o bakuna laban sa COVID-19 o Coronavirus disease 2019 pagdating ng Disyembre.

Bakuna laban sa COVID-19, posible sa Disyembre-Pang. Duterte

National News

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng gamot o bakuna laban sa COVID-19 o Coronavirus disease 2019 pagdating ng Disyembre.

Sinabi ni Pangulong Duterte na mas nanaisin na lamang niya na magkaroon muna ng medisina na papatay sa virus habang wala pang nabubuong bakuna.

Mababatid na palagiang binabanggit ng pangulo sa kanyang mga meeting na tiwala siyang malapit nang ma-develop ang bakuna laban sa virus kung saan tinutukoy dito ng presidente ang napabalitang tagumpay ng Chinese researchers patungkol dito.

Noong June 23, inihayag ni Pangulong Duterte na maraming bansa na ang nakakumpleto na bakuna laban sa COVID-19.

Samantala, ipinatigil na ng Department of Health ang paggamit ng kumbinasyon ng HIV drugs na lopinavir at ritonavir para sa mga COVID-19 patient.

Ito ay bilang pagsunod sa hakbang ng World Health Organization dahil sa maraming kadahilanan.

Matatandaang pinatigil na rin ng DOH ang paggamit ng anti-malaria drug na hydroxychloroquine.

Sa ngayon, ang  remdesivir plus interferon nalamang ang ginagamit bilang gamot sa COVID-19.

Batay naman sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 47, 873 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

34, 178 naman mula sa kabuuang bilang ang active cases.

Nasa 1,504 naman naidagdag na panibagong kaso.

Nakapagtala rin ng 201 sa bilang ng mga gumaling kaya’t umakyat na sa 12, 386 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.

Sa ngayon, nasa 1, 309 ang death toll ng bansa matapos madagdagan ng 6.