Connect with us

Bahay na nakabitan ng kuryente sa buong bansa, umabot na sa mahigit 14M

Umabot na sa 14.253 milyong kabahayan ang nakabitan ng kuryente ng National Electrification Administration (NEA) katuwang ang ang mga electric cooperative (EC) sa bansa.

National News

Kamakailan lang ay nagkaroon ng ceremonial switch-on ang NEA para sa ika-14 na milyong bahay na nakabitan ng kuryente sa ilalim ng rural electrification rogram ng pamahalaan sa Sulu.

Ang benepisyaryo ay miyembro ng Badjao community sa Sitio Kamias-Badjao Annex, Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu sa ilalim Sulu Electric Cooperative, Inc. (SULECO).

Ayon kay NEA Admin. Edgar Masongsong na katuwang ang 121 electric cooperative magpapatuloy ang kanilang programa na makabitan ang lahat ng kabahayan sa kanayuban sa buong bansa.

“Hindi tayo hihinto. Hindi pa tapos ang programa ng NEA na rural electrification kung hindi pa umaasenso ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino.” pahayag ni Masongsong.

Mula nang mag-umpisa ang rural electrification program noong 1969, nakabitan na nila ng kuryente ang nasa 78 probinsya, 90 mga siyudad, 1,385 mga bayan, at 36,051 mga barangay.

More in National News

Latest News

To Top