Bahagi ng Brgy. Catmon sinailalim na sa special concern lockdown

Metro News

Sinailalim na sa special concern lockdown ang ilang bahagi ng Sitio 6 sa Barangay Catmon, Malabon.

Ipatutupad naman ang lockdown simula ngayong araw hanggang sa ika-21 ng Hunyo.

Napagalaman na hiniling ni Barangay Captain Brian Manapat na i-lockdown ang ilang bahagi ng Sitio 6 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID- 19 sa kanilang lugar.

Sa rekomendasyon ng Health Social Welfare, Security at Economic Clusters, pinayuhan ng task force si Mayor Lenlen Oreta na isailalim sa limang araw na lockdown ang nasabing lugar.

Sa ilalim ng special concern lockdown, bawal lumabas ang lahat ng residente at dadalhin na lamang sa kanilang tahananĀ  ang kanilang pagkain.

Tutulong naman ang Philippine National Police (PNP) sa mga barangay tanod upang mapanatili ang total home quaratine ng mga residente.