Connect with us

Bagyong Liwayway, lumakas pa habang papalabas ng PAR

National News

Bagyong Liwayway, lumakas pa habang papalabas ng PAR

LUMAKAS pa ang Bagyong Liwayway habang papalabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 305  kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas na aabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 160 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Sa ngayon, inalis na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes dahil sa patuloy na paglayo ng bagyo.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo bukas ng tanghali o gabi.

Samantala, dahil sa habagat, nakakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman pag-ulan na minsan ay malakas ang ilang bahagi ng Luzon habang makararanas ng localized thunderstorms ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top