Connect with us

Bagyong Chedeng, LPA na lamang matapos mag-landfall sa Davao Occidental

Bagyong Chedeng

Regional

Bagyong Chedeng, LPA na lamang matapos mag-landfall sa Davao Occidental

Humina na at isa na lang Low Pressure Area (LPA) ang bagyong Chedeng.

Ito ay matapos mag-landfall ang bagyo sa Malita, Davao Occidental kaninang alas 5:30 ng umaga.

Inalis na rin ng PAGASA ang lahat ng nakataas na tropical cyclone warning signal na una nang itinaas sa ilang lugar sa Mindanao.

Gayunman, makararanas pa rin aniya ng mga pag-ulan sa Surigao Del Sur, Agusan Del Sur, Davao Region, Soccsksargen, at bahagi ng Northern Mindanao, Bangsamoro Region at Zamboanga Peninsula.

Sa pinakahuling ulat ng weather bureau, bandang alas 7 kanina tinatayang nasa bisinidad na ng Malungon, Saranggani ang LPA.

Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa bahagi ng Eastern Seaboards ng Visayas at Mindanao dahil sa masungit pa ang panahon.

 

DZARNews

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top