Connect with us

Bagong guidelines sa paggamit ng Astrazeneca, ilalabas na ng FDA

Bubuo ng bagong guidelines ang Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng Astrazeneca vaccine.

National News

Bagong guidelines sa paggamit ng Astrazeneca, ilalabas na ng FDA

Bubuo ng bagong guidelines ang Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng Astrazeneca vaccine.

Ito ang sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo matapos suspendihin ang paggamit ng naturang bakuna.

Ayon kay Domingo, ngayong linggo na gagawan ng bagong guidance sa paggamit ng Astrazeneca bilang bahagi na rin ng paghahanda sa mga Astrazeneca vaccines na darating.

Dagdag pa ng FDA chief, nakahanda ring maglatag at magpasa ng kanilang rekomendasyon ang vaccine experts panel maging ang World Health Organization (WHO).

Pag-isahin aniya ang mga rekomendasyong ito mula WHO at mga eksperto para sa bubuuing panuntunan.

Samantala, inihayag naman ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na hindi makaaapekto ang naturang isyu sa Astrazeneca sa naging procurement ng private sector ng naturang bakuna.

“Ang mga private sector, matalino naman sila eh, hindi naman sila nag-iisip n’yan eh. Nakikita nilang ‘yung benefits purely outweigh the risk.”

Muling iginiit ni Concepcion na wala nang atrasan sa pagbili ng bakunang Astrazeneca ng mga nasa pribadong sektor kung saan halos bayad na aniya ang mga ito.

Ipinunto rito ni Concepcion na 200 million katao na ang nabakunahan ng Astrazeneca sa iba’t ibang bahagi ng mundo pero dito sa Pilipinas  wala namang naitatalang blood clot incidents ng kagaya sa ibang bansa.

“So 200 million already have been vaccinated with Astrazeneca. In the Philippines over 500,000, not one incident sa blood clot. So we will focus on the 86 cases from 26 million, so 86 out of 26 million? So ang layo eh, so mali talaga ‘yung FDA noh.”

Giit pa nito, naging exaggerated lamang ang FDA sa pagrekomendang itigil muna ang pagbabakuna sa below 60 years old.

“I think baseless, I mean, yes there are some issues but it’s not clearly pinpointed to Astrazeneca…exaggerated na.” 

Mababatid na naka-secure ang pribadong sektor ng nasa 5.5 million hanggang 6 million doses ng COVID-19 vaccine mula AstraZeneca para matulungan ang gobyerno sa inoculaton program nito.

 

More in National News

Latest News

To Top