Inilabas ngayong araw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga "enhanced" new generation currency bank notes na may latest anti-counterfeiting technology.

Bagong generation currency banknotes, isinapubliko ng BSP

National News

Inilabas ngayong araw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga “enhanced” new generation currency bank notes na may latest anti-counterfeiting technology.

Ayon sa BSP, ang bagong mukha ng ₱50, ₱100, ₱200, ₱500, at ₱1,000 ay may bagong security features at mas madaling makilala.

Kabilang aniya sa bagong feartures ng perang papel ay bagong security thread, enhanced colors at tactile marks para matulungan ang mga matatanda at visually impaired na matukoy ang pagkakaiba ng bawat perang papel.

Mayroon din itong optically variable ink kung saan isang logo o bahagi ng perang papel ay magpapakita ng ibang kulay.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na regular na ina-update ng Central Bank ang disenyo ng Philippine money upang mapabuti ang seguridad nito at maiwasan ang mga peke.