Connect with us

Bagong container van quarantine facility sa San Juan City, ilalaan para sa mga asymptomatic sa COVID-19

Bilang tugon sa kakulangan ng mga hospital beds para sa mga COVID-19 patients,  bubuksan na ang bagong-tayong quarantine facility sa San Juan City.

Metro News

Bagong container van quarantine facility sa San Juan City, ilalaan para sa mga asymptomatic sa COVID-19

Bilang tugon sa kakulangan ng mga hospital beds para sa mga COVID-19 patients,  bubuksan na ang bagong-tayong quarantine facility sa San Juan City.

Papasinayaan na ngayong araw, ika-30 ng Abril ang bagong container van quarantine facility sa naturang lungsod.

Ito ay bahagi ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng  We Heal As One banner ng IATF Against COVID-19.

Ito ay sinimulan gawin noong December 2020 ng DPWH na may pondong ₱19 million at ito ay bubuksan sa Sabado.

May 52 kwarto na may sariling kama at toilet ang nasabing pasilidad na magsisilbi para sa mga pasyente.

Naka-airconditioned rin ang mga kwartong upang maging komportable at mas mapadali ang paggaling ng mga nagkasakit na dadalhin doon.

No description available.

Ang bagong quarantine facility ay para sa mga COVID-19 patient na asymptomatic o may mild symptom lang.

No description available.

Sa kasalukuyan, ang San Juan City ay may 250 COVID-19 beds.

75 nito ay nasa San Juan Medical Center habang 139 naman ay nasa Kalinga Center.

Sa San Juan National High School Annex Basketball Court naman ay may 36 na COVID-19 beds.

Samantala as of April 28, bumaba na sa 716 ang naitatalang active cases ng San Juan City  mula sa highest record nito na1,226 noong April 14.

Umaasa naman ang San Juan LGU na dahil sa bagong quarantine facility nila ay tuluyan nang bababa ang bilang ng mga active cases sa lungsod.

More in Metro News

Latest News

To Top