Connect with us

Azkals talo sa China sa joint World Cup at Asian Cup qualifiers

Azkals tinalo ng China sa joint World Cup at Asian Cup qualifiers

News

Azkals talo sa China sa joint World Cup at Asian Cup qualifiers

Hindi pinaporma ng China ang Azkals sa iskor na 2-0 sa kanilang paghaharap sa joint qualifiers ng 2021 FIFA World Cup at 2023 AFC Asian Cup na ginanap sa Sharjah Stadium sa United Arab Emirates (UAE).

Naging mahigpit ang depensa na ipinakita ng Azkals sa unang bahagi ng laro kung saan nagtapos ito ng 0-0 sa halftime.

Nakamit ng China ang unang panalo sa pamamagitan ng spot kick ni left winger Wu Lei sa loob ng 56th minute.

Huling nagharap ang dalawang koponan na nagtapos lamang sa isang draw.

Sa ngayon nangunguna ang Syria sa group a na mayroong 21 points at walang talo sa 7 laro, 2nd ang China na mayroong 13 points habang nasa pangatlong pwesto naman ang Azkals na mayroong 7 points.

Ang susunod na makakalaban ng Azkals ang Guam sa June 11 at ang Maldives naman sa June 15.

 

 

More in News

Latest News

To Top