Connect with us

Atty. Gadon, naniniwalang hindi “NPA lover” si BBM

Atty. Gadon, naniniwalang hindi “NPA lover” si BBM

National News

Atty. Gadon, naniniwalang hindi “NPA lover” si BBM

Suportado ni Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ito ang tiniyak ni Atty. Larry Gadon sa panayam ng Sonshine Radio.

Kaya naman, naniniwala si Gadon na hindi New People’s Army lover si Bongbong.

Ito ang naging sagot ni Gadon hinggil sa pahayag ni Pang. Duterte tungkol sa pagiging supporter ni Bongbong Marcos at VP Leni Robredo sa makakaliwang grupo.

Naniniwala rin si Gadon na kalaban ni Bongbong ang mga komunista kaya naghain ang mga ito ng disqualification case kay BBM.

Bukod pa rito, ang ama ni Bongbong Marcos na si dating pangulong Ferdinand Marcos ay isa ring anti-communist.

Samantala, sinabi ni Gadon na ikakampanya parin ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos si Pangulong Duterte para sa nalalapit na eleksiyon 2022 at wala din aniyang sama ng loob si BBM sa pangulo.

More in National News

Latest News

To Top