Connect with us

Arestadong pekeng doktora, nahaharap na sa patung-patong na kaso

Sinampahan na ng patung-patong na mga kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto nilang pekeng doktora na si Hazel Pablo.

National News

Arestadong pekeng doktora, nahaharap na sa patung-patong na kaso

Sinampahan na ng patung-patong na mga kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto nilang pekeng doktor na si Hazel Pablo.

May be an image of 1 person and indoor

Ito ay dahil sa illegal practice of medicine makaraang inireklamo ng tunay na doktor dahil ginamit ang kanyang pangalan, physician license number at iba pang mga dokumento.

Bago ang pag-aresto ay nagsagawa muna ng entrapment operation ang isang NBI Agent na nagpanggap na pasyente na siningil ng P50,000 para sa pampapayat at bago siya tinurukan ng injection ng fat eliminator substance ay doon na siya inaresto sa loob mismo ng kanyang clinic sa ZSS Medicare Inc./Zelah Skincare Station Clinic sa San Antonio 1, Quezon City.

May be an image of one or more people, people sitting, people standing and indoor

Nakumpiska sa kanya ang mga pekeng reseta, hindi rehistradong cosmetic products, radiation at medical devices na pawang mga hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration(FDA).

Si Hazel Pablo ay nahaharap ngayon sa mga kasong Illegal Practice of Medicine in violation of R.A. 2382 o Medical Act of 1959; violation of Section 10 ng R.A. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009; Estafa; and Falsification by Private Individuals and Use of Falsified Documents in violation of Article 172 ng Revised Penal Code.

May be an image of one or more people, people standing and indoor

More in National News

Latest News

To Top