Connect with us

Aplikasyon para sa EUA ng Sinopharm, natanggap na ng FDA

Natanggap na ng (FDA) ang aplikasyon ng Chinese company na Sinopharm para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.

National News

Aplikasyon para sa EUA ng Sinopharm, natanggap na ng FDA

Natanggap na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Chinese company na Sinopharm para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.

Sa impormasyong ibinigay sa DZAR ng MKG Universal Drug Trading Corp. na siyang exclusive distributor ng Sinopharm sa bansa, Lunes ng hapon (March 15, 2021) nang ma-acknowledge ng FDA ang kanilang requirements para sa EUA application.

Mapupunta naman ang mga dokumento sa Office of the Director General ng FDA para sa pre-assessment.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas gusto nitong maturukan ng COVID-19 vaccine ng Sinopharm.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroong 21 araw ang FDA para aksyunan ang EUA application ng Sinopharm.

More in National News

Latest News

To Top