Connect with us

Antiporda, humingi ng dispensa matapos sabihing bayaran ang mga UP experts

Humingi ng dispensa si Department Of Environment And Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda sa University of the Philippines (UP) matapos itong umani ng batikos dahil sa kontrobersyal nitong komento sa mga eksperto ng institusyon.

National News

Matatandandaan na binatikos si Antiporda matapos nitong sabihang “bayaran” ang mga UP experts sa kalagitnaan ng kontrobersyal na Manila Bay White Sand Project.

Ani Antiporda, gusto niyang humingi ng dispensa sa naunang pahayag nito laban sa UP at hindi nito intensyon na sirain ang magandang pangalan ng unibersidad.

Dagdag pa nito, ito lang ay isang mensahe sa UP MSI (Marine Science Institute) na magkatuwang sila sa proyektong ito.

Ani Anitiporda, nadala lamang siya ng kanyang emosyon dahil nasaktan siya at hindi siya pulitikong indibidwal kaya ganun na lamang ang kanyang naging reaksyon.

Tinanggap naman ni UP MSI Director Laura David ang paghingi ng tawad ni nito at nilinaw na walang “bad blood” sa pagitan ng DENR at UP.

Samantala, sinabi ni antiporda na dapat na ipaalam muna ng up experts ang kanilang ahensya bago publikong punahin ang Manila Bay Broject.

Pinayuhan nito  ang Geographic Society of the University of the Philippines na dumulog na lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kanyang resignation.

Ito ang naging tugon ni Antiporda kasunod ng panawagan ng mga ito sa kanyang pagbibitiw matapos ang kanyang pagtawag na “bayaran” sila.

Ayon kay Antiporda, maaring sumulat ang Up GeoGSoc sa pangulo ng mga reklamo laban sa kanya.

Sakali aniyang ipag-utos ng pangulo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto ay gagawin niya ito.

More in National News

To Top