Connect with us

Anti-terror law, hindi dapat katakutan dahil ito ay para sa mga terorista

Hindi dapat katakutan ang Anti-terrorism law.

National News

Anti-terror law, hindi dapat katakutan dahil ito ay para sa mga terorista

Hindi dapat katakutan ang Anti-terrorism law.

Ito ang panawagan ng mga grupong sumusuporta sa kontrobersyal na batas dahil ito ay para sa mga terorista at mga taga suporta ng makakaliwang grupo.

Layunin din ng batas na ay para protektahan at siguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Ang Anti-terror act ay magiging susi sa pagsugpo sa lahat ng uri ng terorismo sa bansa.

Ayon kay Yakap ng Magulang Founding President Relissa Santos Lucena, ang naturang batas ang tanging pag-asa ng mga magulang ng mga estudyanteng narerecruit ng makakaliwang grupo.

Sinabi naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na ang Anti-terrorism law ay isinabatas para sa mamamayang Pilipino.

Dagdag ni Esperon, walang ibang hangad ang nasabing batas kundi bigyan ng pagkakataon ang mga law enforcement officers na gampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang mamamayan.

Naniniwala naman si Duterte Youth Chairman Ronald Cardema na maraming pa ring Pilipino ang tiwala sa pamahalaan at sumusuporta sa layunin nito na tuldukan ang terorismo sa bansa.

Matatandaang nilagdaan at isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong July 3, 2020 ang Republic Act No. 11479 o ang Anti-terrorism act of 2020 na naglalayon na sugpuin at parusahan ang mga indibidwal na nasa likod ng  terorismo sa bansa.

Layon rin nitong amiyendahan ang mga probisyon ng Human Security Act of 2007.

Bago pa man inaprubahan ang Anti-terror law ay umani ng batikos sa ilang senador, human right lawyers at iba’t ibang organisasyon na tutol dito.

More in National News

Latest News

To Top