Connect with us

Anti-illegal drug operations ng PNP, lehitimo – DOJ

Natapos na ng Department of Justice (DOJ) ang isinagawa nilang pagre-review sa 52 drug war cases na ipinasa ng Philippine National Police (PNP) at ng kanilang Internal Affair Services (IAS).

National News

Anti-illegal drug operations ng PNP, lehitimo – DOJ

Natapos na ng Department of Justice (DOJ) ang isinagawa nilang pagre-review sa 52 drug war cases na ipinasa ng Philippine National Police (PNP) at ng kanilang Internal Affair Services (IAS).

Ayon sa DOJ, lehitimo naman ang ikinakasang buy-bust operation pero nagkaroon ng iilang maliliit na paglabag ang mga pulis.

Ito ay mula sa 20-pahinang detalye ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa 52 drug war cases mula sa PNP.

Subalit sa nasabing pag aaral ng DOJ, may nakita ring iilang irigularidad sa mga isinagawang operasyon ng mga otoridad.

Batay sa report, nanlaban o nagtangkang tumakas ang mga suspek sa mga pulis kung kaya’t nabaril ang mga ito.

Gayunman, welcome ito sa PNP at ikinatuwa na nagkaroon ngayon ng paglilinaw para sa mga kapulisan na biktima aniya ng maling paratang.

Ayon kay PNP chief PGen Guillermo Eleazar, nagpapasalamat siya sa desisyon ng DOJ bilang pagkilala na rin sa katapangan ng mga kapulisan na halos ibuwis ang kanilang buhay sa mga operasyon nito kasama ng pagkakasabat ng mga iligal na droga.

Sa kabilang banda, karamihan sa mga pulis na sangkot ay sinuspinde para bigyang daan ang imbestigasyon sa kanila.

Muli ring tiniyak ng PNP, na wala silang kakampihan sa sinumang police personnel na mapapatunayang sangkot sa alegasyong pagpatay sa mga suspek ng iligal na droga.

Kabilang sa mga inilabas na impormasyon ng DOJ ay ang pangalan ng nasawing suspek, petsa kung kailan nangyari ang insidente.

At batay pa sa mga obserbasyon ng DOJ, mayroong kakulangan ng record na nagpapatunay na umano’y nagpaputok ang mga suspek kung saan walang naipasang paraffin test o kaya ballistic test habang wala rin naging basehan kung pag-aari nga ng nasawi ang baril na ginamit.

Isa rin sa napansin ng DOJ base sa isinumiteng ulat, may mga gunpowder na natatagpuan sa mga biktima na isang indikasyon na malapitan itong binaril.

Sa huli, nagpaliwanag ang DOJ bakit napagdesisyunn nitong isapubliko ang mga nasabing impormasyon.

Anila, nais nilang maiparating sa pamilya ng mga namatay na suspek kung may posibleng criminal liability ang mga pulis sa drug war campaign ng Duterte Administration.

Samantala, bukas din ang DOJ sa paglantad ng iba pang testigo at hinikayat ang mga ito na magbigay ng salaysay sa NBI para sa mabilis na pagresolba sa kaso.

More in National News

Latest News

To Top