Anti-discrimination bill ng Kamara

Anti-discrimination bill kaugnay sa COVID-19, lusot na sa Kamara

National News Uncategorized

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang anti-discrimination bill ng Kamara na may kinalaman sa COVID-19.

Sa ilalim ng anti-discrimination bill ng Kamara, bawal ang diskriminasyon sa mga indibidwal na apektado ng virus. Kasama rin ang may kinalaman sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.

Kabilang na rito ang mga positibo, suspected, at probable cases at mga naka-recover na COVID-19 patients.

Mga frontliners, kabilang na ang healthcare workers, essential service workers, responders at recognized volunteers.

Maging ang mga stranded na mga indibidwal na bumabyahe mula sa isang local government unit, repatriated OFWs, at ang pamilya o household members ng mga nabanggit na indibidwal.

Makukunsiderang discriminatory practices laban sa mga nasabing indibidwal ang kabiguan na mabigyan ng ayuda, harassment o assault, stigmatization at ang hindi makatarungang pagkilala sa mga valid at existing contracts.

Sa ilalim ng panukala, ang sinomang mangha-harass ay mapaparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 10 taon at pagmumultahin mula P200,000 hanggang P1 milyon.

Ang sino namang gagawa ng iba pang discriminatory acts ay makukulong ng 6 buwan hanggang 5 taon o maaaring pagmumultahin ng P50,000 hanggang P500,000 o parehong parusa.

Samantala, ang Senate version ng anti-discrimination bill o House Bill 6817 ay nasa committee level pa, kung saan dapat pa itong ipasa sa ikatlong pagbasa bago pirmahan ng Pangulo.

Matatandaan na nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pangha-harrass sa mga health worker; at mga repatriated OFW na umuuwi sa kanilang mga probinsya.