Connect with us

Anti-criminality campaign ng PNP, epektibo ngayong may pandemiya

Iginiit mismo ng Philippine National Police (PNP) na epektibo sa ngayon ang anti-criminality campaign ng ahensiya sa gitna ng pag-iral ng Enhanced Communiy Quarantine partikular na sa National Capital Region (NCR) plus bubble.

National News

Sa panayam ng SMNI news kay PNP Spokesperson Police Brigadier General  Ildebrandi Usana, bumaba ang bilang ng kaso ng crime against property gaya ng theft o pagnanakaw, robbery at iba pang kahalintulad na krimen dahil sa maigting na pagpapatupad hindi lang sa minimum health standard protocol kundi maging sa anti-criminality sa mga isinasagawang checkpoints.

Bukod din sa pinaigting na inspeksiyon sa mga checkpoints area, malaking tulong din ang panananatili ng mga tao sa kanilang mga tahanan bagay na nababantayan ng mga ito ang kanilang mga ari-arian.

Pero paalala ng opisyal sa mga kawani ng PNP na huwag magpakampante sa pagbaba ng bilang ng kriminalidad sa bawat area of responsibilities ng mga ito.

Habang nagbabala din ang Pulisya sa publiko na huwag gawing dahilan ang pandemiya upang gumawa ng krimen dahil tiyak na maparurusahan ang mga ito na naayon sa batas.

More in National News

Latest News

To Top