Connect with us

Anti-communist groups, nanawagang pauwiin sa Pilipinas si Joma Sison

Pauwiin at panagutin.Ito ang  muling panawagan ng mga anti-communist group sa Dutch Government laban kay (CPP) founder Jose Maria Sison.

National News

Anti-communist groups, nanawagang pauwiin sa Pilipinas si Joma Sison

Pauwiin at panagutin.

Ito ang  muling panawagan ng mga anti-communist group sa Dutch Government laban kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Nagkaisa ang League of Parents of the Philippines at Liga Independencia Pilipinas na magsagawa ng kilos protesta para ipinanawagan sa Dutch government na itigil na ang pagkanlong kay Sison.

Anila, ang Netherlands ay naging isang “ligtas na kanlungan” para kay Sison at iba pang mga pinuno ng CTG na ipagpatuloy ang pagpaplano ng kanilang kalupitan sa mga lugar na pinasok ng NPA sa Pilipinas.

Hiling nila sa Dutch government na pauwiin na na ang CPP Founder sa Pilipinas at panagutin sa mga krimen at mga hindi makataong gawain ng teroristang grupo na CPP-NPA-NDF laban sa Pilipinas.

Iginiit nila na dapat harapin ni Sison ang mga sandamakmak nitong kasong human rights violation sa bansa.

Naniniwala sila na ang termination sa asylum status ni Sison ay maaaring mahinto na ang pag-atake ng armadong grupo ng CPP New People’s Army (NPA) sa mga inosenteng Pilipino.

Naniniwala sila na ang Netherlands na isang makataong bansa ay naloko lang ni Joma Sison at ng kanyang mga kasabwat.

Umaasa naman ang grupo na sa pamamagitan ng kanilang kilos-protesta ay makarating sa Dutch Government ang kanilang hinaing.

Ikinagagalit nila kung paano natatamasa ni Joma Sison ang kanyang proteksyon at ang pagiging asylum mula sa pamahalaang Dutch mula pa noong 1987 habang nakikipaglaban laban sa gobyerno ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top