Connect with us

Anti-communist groups, ipinabubusisi ang  pondo ng Makabayan Bloc

Nagsagawa ng rally ngayong araw sa harap ng tanggapan ng Commission On Audit (COA) ang mga anti-communist group

National News

Anti-communist groups, ipinabubusisi ang  pondo ng Makabayan Bloc

Nagsagawa ng rally ngayong araw sa harap ng tanggapan ng Commission On Audit (COA) ang mga anti-communist group para ipanawagan sa kagawaran ang pagbusisi sa pondo ng Makabayan Bloc.

Kabilang sa mga grupong nagsagawa ng rally ang League of Parents of the Philippines at Liga Independencia Pilipinas.

No description available.

Ayon kay Jose Antonio ‘Ke Pep’ Goitia, secretary general ng Liga Independencia Pilipinas na dapat busisiin ng COA ang Makabayan Bloc dahil posibleng ginamit ang kanilang pondo bilang pantustos sa operasyon ng CPP-NPA-NDF.

No description available.

Kinuwestiyon din ng mga grupo kung lehitimo ang mga staff at empleyado ng Makabayan Bloc o baka puro ghost employees lang ang mga ito.

No description available.

Binubuo ang Makabayan Bloc ng mga party-list na Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at Act-Teachers.

Magugunitang ibinunyag din ng dating New People’s Army (NPA) Kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz na hindi bababa sa ₱70-M ang average budget ng bawat kinatawan ng Makabayan Bloc.

At sa isang taon ay nasa ₱420 million ang average na nakukuha ng Makabayan Bloc na ginagamit umano para sa abanse ng CPP-NPA-NDF.

 

More in National News

Latest News

To Top