National News
Annual Report ng Metrobank Foundation, nominado sa ika-56th Anvil Awards
Nominado ang “Puso At Sigasig”, Metrobank Foundation Inc. (MBFI) 2019 Annual Report para sa PLATINUM ANVIL sa katatapos lang na ika-56th Anvil Awards.
Ang Anvil Awards ang itinuturing na Oscars ng Pilipinas na pinangangasiwaan ng Public Relations Society of The Philippines.
In-adopt ng 2019 Annual Report ang ika-40TH founding anniversary theme ng MBFI na ‘Puso at Sigasig’ ng binubuo ng mga piling kwento ng mga kahanga-hangang pakikipag-ugnayan at paggabay sa pagitan ng mga stakeholders nito.
Bukod sa naturang nominasyon, nakatanggap din ng dalawang Silver Anvil na mga tropeyo ang MBFI para sa dalawang programang ipinatupad nito sa gitna ng pandemya.
Ang mga ito ay ang “#MADEatHome: Art Education Online” at ang “2020 Metrobank-MTAP-DepEd Math Challenge (MMC) Learn@Home Campaign.
Nakatanggap din ang GT Foundation, Inc ng Silver Anvil para sa “Bags of Blessing (BOB) 2020: #BeyondFestivityGenerosity, na isang gift giving program nito tuwing Chinese New Year kung saan nasa 10,000 indigent families ang mga benepisyaryo sa buong bansa.