“Ani ng Dangal” iginawad ni Pangulong Duterte kina Juday at Alden  

Showbiz

Pinarangalan sa Ani ng Dangal Awards ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang batikang aktres na si Judy Ann Santos at ang aktor na si Alden Richards sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Judy Ann Santos

Binigyang pakilala ang dalawa at 50 iba pang mga personalidad na nakakuha ng international awards sa nakaraang taon.

Nasa 17 mga artista sa larangan ng cinema ang nakatanggap ng naturang parangal gaya nina Jun Robles Lana at Maxine Eigenmann.

16 naman ang ginawaran sa visual arts category, 8 sa music, 7 sa dance, 3 sa literary arts at 1 mula sa Architecture and the Allied Arts.

Idinaos ang 12th Ani ng Dangal Awards kahapon sa Malacanang bilang isa sa highlights ng National Arts Month.