Connect with us

Angel Locsin, nilinaw na healthy lifestyle ang dahilan ng kanyang pagpa-papayat

Nilinaw ng aktres na si Angel Locsin na isinama nito sa lifestyle ang pagda-diet at hindi ang mga natatanggap na panlalait sa kanyang biglang pagtaba, ang dahilan ng kanyang pagpa-papayat

Showbiz

Angel Locsin, nilinaw na healthy lifestyle ang dahilan ng kanyang pagpa-papayat

Nilinaw ng aktres na si Angel Locsin na isinama nito sa lifestyle ang pagda-diet at hindi ang mga natatanggap na panlalait sa kanyang biglang pagtaba, ang dahilan ng kanyang pagpa-papayat.

Ito ang pahayag ni Angel o Angelica Locsin Colmenares sa tunay na buhay mahigit isang taon mula nang pagpiyestahan ang kanyang weight gain.

Kuwento ng wife to be ng TV/Film producer na si Neil Arce, nagpabakuna kasi ito kontra coronavirus kung saan natuklasan nito na mataas ang kanyang blood pressure kaya kailangan niyang bantayan.

Matatandaang nakaranas ng body shame ang aktres sa isang module ng Department of Education habang may mga nagpalutang sa mga lumang larawan nito kung saan siya ay minsang hinirang na sexiest woman in the world ng men’s magazine, at gumanap pa bilang “Darna.”

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top