Connect with us

Alokasyon para sa DOTR sa taong 2020, tumaas ng higit doble

National News

Alokasyon para sa DOTR sa taong 2020, tumaas ng higit doble

MAHIGIT doble ang itinaas ng alokasyon sa Department Of Transportation (DOTR) para sa susunod na taon.

Sa budget hearing ng DOTR sa house appropriations committee, sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na tumaas ng 112.29 percent ang kanilang pondo para sa taong 2020 kumpara sa P69.255 billion allocation ngayong 2019.

Humihingi ang DOTR ng P147 billion na budget para sa susunod na taon, kung saan P116.550 billion ay ilalaan sa capital outlays.

Habang P100.6 billion naman ang pondo para sa pagtayo, rehabilitasyon at upgrade ng mga railways sa Bansa.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top