Connect with us

Alkalde ng Calbayog City, patay sa ambush

Patay sa pamamaril si Calabayog City Mayor Ronaldo Aquino at dalawa pang indibidwal habang isa naman ang isinugod sa ospital nang tambangan ang sasakyan nito.

Regional

Alkalde ng Calbayog City, patay sa ambush

Patay sa pamamaril si Calabayog City Mayor Ronaldo Aquino at dalawa pang indibidwal habang isa naman ang isinugod sa ospital nang tambangan ang sasakyan nito.

No description available.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang insidente habang binabaybay ng sinasakyang puting Toyota high ace van ng alkalde ang Laboyao bridge sa Brgy. Lonoy ng Calbayog City kung saan pinaulanan ng bala ng mga suspek ang kanilang sasakyan.

Nagkaroon pa ng palitan ng putok sa magkabilang panig na ikinasawi ng isa sa mga suspek.

Agad namang tumakas ang mga suspek na pinaniniwalaang nakasakay sa dalawang sasakyan.

Alas-6 ngayong gabi nang makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Biliran kaugnay sa nangyaring shooting incident na kinasasangkutan ng alkaldeng Calbayog.

Sa ngayon, tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek habang isinagawa na rin ang onsite investigation para matukoy ang motibo sa krimen.

More in Regional

Latest News

To Top